Thursday, August 30, 2007

All in a day

August 28, 2007

Na-haggard ako! Reporting ko kasi today sa PI 100, 4pm, tapos may midterm exam pa sa Chem 125 ng 8:30am. Pinilit ko talagang gumising ng 3am. Actually 2am yata ako nag-alarm pero 3am na ako nagising. Minutes before midnight ako natulog. Pagkagising ko at 3am, nag-start na akong magbasa ng Rizal in His Centenary, pages 35-60+. Then at 6am, I took a bath. After that, aral ulet ng Chem 125.

Fortunately, okay naman yung exam – that is, kung tama ang mga sagot ko. After ng exam, may class pa ako.

Buti na lang na-dismiss kami nang maaga sa Chem 145 just so I had the time to study my PI 100 report on La Liga Filipina. Reporting really stresses me more than exams. Okray “Queen” pa naman ang prof – Sir Jesus Ramos. Scary.

Sa pabigla-biglang pagsulpot ni Sir Len Lim (Chem 125 instructor), ewan kung narinig yung conversation namin ni Krystelle (ka-Chem) about him. The conversation more or less went something like this.

Krystelle: Is he mabait?

Me: Oo. (Nodding)

Krystelle: Is he tamad?

Me: Slight lang. (I gestured with my thumb and forefinger)
Hindi pala – ganito
(I gestured with my two arms wide open just in time for him to appear right in front of us.)\

Oh my God! I just convinced myself that he didn’t hear the latter part of our conversation. Geez.

So much for the previous kamalasan kasi natuwa naman ako sa PI 100 kasi di ako pinag-report ni Sir! Sana lang hindi naman ako singko. Wala na kasing time kaya siya na lang nag-explain. Prior to our reporting, may exciting scene na naman.

Sir: O, plus 1 sa final grade. Anong kahalagahan ng La Liga Filipina sa buhay ni Rizal.

(Knowing na report namin ‘to, na-force akong sagutin.)

Me: In writing his novels, Rizal was merely a political analyst. But with La Liga Filipina, Rizal became a political activist.

Sir: Tama, noh? So, blah blah blah. (Then, may next question siya.)

Me: Uhm sir, ok lang ba? Report kasi naming yun.

Sir: Kaya pala tawa ka nang tawa, pinagtatawanan mo ‘ko kasi mukha akong tanga na tinatanong kita. Ang yabang-yabang mo. Sige, plus .25 na lang. A Sige, wala na lang plus. Report mo pala yun. Ok, continue (referring to the reporter in front).

In fairness, good mood si Sir ngayon. Kasi kahit inokray nya ako eh laugh trip naman ang buong class kasi nakatawa din siya. Haay…thank you, Lord!

No comments:

Post a Comment