(nahalungkat sa hard drive...hayayay, yet another fanpost. )
September 30, 2008 Tuesday
A memorable Tuesday talaga! Putek na Bonfire yan! Literal na putik experience kasi. Putik as in mala-quicksand putik kasi umulan, eh yung venue sa uncemented grounds. Pero happy naman.Salamat sa sorpresang imbitasyon, Teph! At talagang pinuntahan mo ako sa bahay...kahit na last choice mo ako sa pwedeng isama...
Grabe, ang hirap talaga pag sanay nang naka-slippers parati...ayan tuloy. Nung una, ma-poise pa kaming maglakad para wag maputikan ang paa. Pero di talaga kinaya. Halfway papuntang stage, nagbreakdown na talaga ang slippers ko dahil di ko na sila mabuhat dahil sa sobrang pagkalubog. Kaya ayun, nag-paa na lang talaga para lang makapunta sa harap. Worth it naman dahil nakita si Chris Tiu! Although mga 5 meters away, pwede na. Di ko na nga lang kinaya ang meet-and-greet part kasi ang haba na ng pila sa putikan. Next time na, pag di na maputik. Tsk.
Funny lang when we were struggling to lift our buried feet (with slippers) out of the mud, nag-comment ang isang middle-aged woman/alumna sa tabi na, “wow, atenistang-atenista!”. Hehe, ooops hindi po! Pero syempre ganun din naman talaga ang nangyari sa mga atenista (or Chris Tiu fans...haha) na andun na naka-flips lang. ¼ ng length ng pants namin ay putikan din kasi lubog kung lubog talaga! Tapos pati sa may gripo ang haba din ng pila para maghugas ang mga tao after. At eto, ang traffic pa sa katips. Buti na lang sa may tabi-tabi lang kami nakatira ni Teph.