Saturday, October 6, 2007

I survived!

October 5, 2007


Haggard talaga ang araw na 'to for me. Imagine?! Kahpon, natulog ako ng 2pm-6pm. Tapos from 6pm(04Oct)-4:40am(05OCt) eh nagmarathon ako ng pagre-review ng chem 145 at chem 125, take home exam sa PI 100, at thesis! Whoah! By 4:30 am, tapos ko naman ang thesis proposal at PI 100 paper. Pero di pa ako aral na aral sa dalawa kong exams. Pero umidlip muna ako til 6am.


Nasa school na ako ng 7am at dun ko na lang tinuloy ang pag-aaral ng chem 125. After ng exam 10:30, tinuloy ko ang pag-aaral sa chem 145 exam for 11:30. Ang hirap ng exam sa 145 kahit multiple choice kasi uber objective at di ako nakaaral. SANA MA-EXEMPT AKO SA DALAWA!



After ng exams, 1pm, sa PH 1205 naman ako para gumawa ng 125 lab special project at i-finalize ang collaborated papers namin nina Joel at Kristel sa PI 100. Tapos nagpa-print, then pumasok sa PI 100. Tapos at 4pm bumalik sa PH 1205 para sa chem 125 project. At dahil magagaling naman ang groupmates kong sina Carlo, Ace, at Jebs, eh almost tapos na ang project pagdating ko dun. Pagkatapos nun, nag-demo na kami ng ginawa naming water-level indicator kay Sir Lim. Eto pa nga yun o!


Yung black device ang gawa namin, di kasali yung pinagpapatungan. Yun yung experimenter. Ang cute noh? Akalain mo yun? Nakagawa kami ng electronic device! So ok na. Pero di pa dun nagtatapos. Pinuntahan ko pa si Kristel ng 5pm sa FC kasi may play sila sa Theatre class niya.


At last! 6pm nakarating na ko sa bahay at TULOG!

No comments:

Post a Comment